Thursday, May 14, 2009

Anim ba bunganga niya?

Sabagay mukhang kulang nga ang "double" sa "double talk" kung si Gloria ang pag-uusapan. Kaya siguro kelangan niya ng anim na spokespersons.

Sabi ni spokesperson no. 1 Eduardo Ermita, yung dalawang new kids on the block eh magiging "spokespersons on economic matters". Kasi raw baka isipin ng mga tao niloloko lang sila kung ang mga magsasalita tungkol sa economy eh hindi naman galing sa field of economics.

Pero di ba ekonomista si Gloria mismo, and a "pretty good" one at that? So bakit niya kelangan ng hindi isa, kundi dalawang economic spokespersons? Hindi na ba siya magaling na ekonomista? At nababawasan na ba ang galing niya sa panloloko?